Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Mga mamahayag dismayado sa mga kongresista
 
DISMAYADO  ilang mamamahayag  sa mga kongresistang na naging dahilan para mauwi sa tuluyang
pagkasayang ang siyam na taong panukalang batas o kilala bilang Freedom of Information Bill.


sinabi ni  Malou Mangahas ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), dismayado sila sa
ipinakitang kawalan ng concern sa publiko ng mga kongresista.


naniniwala naman si  Rowena Paraan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), na hindi
ginawa ng mga kongresista ang kanilang trabaho  na nagresulta ng pagkakabasura sa  isang mahalagang
panukalang batas.



dismayado din ang ilang grupo r na nag-abang sa pag apruba sa panukalang batas ana lubos na
pinaghihinayagan ang na  sayang na pagkakataon na malaman ng publiko ang  mga transaksyong
pinapasok ng pamahalaan na gumagamit sa pampublikong pondo.


Hindi rin napigil ng mga militante ang magsigawan sa loob ng gallery matapos mabatid na nauwi na naman
sa basurahan ang isang kapakipakinabang sanang panukalang batas na siyam na taon nilang hinintay.


Liban sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Right to Know, Right Now! Coalition, marami
pang international media groups at organizations ang sumuporta rin sa naturang panukalang batas.


Nabanggit na rin ni Atty. Nepomuceno Malaluan, coalition spokesperson, na ang pagkabigong maipasa ng
FOI ay hindi mawawala sa isipan ng marami kung sino sino ang mga kongresista na nasa likod nito.  “Tragic
verdict of history on Nograles... all other House members should they renege on their duty to ratify and uphold
the Filipino people’s right to know.”

Nauna rito sa pagsisimula ng sesyon kahapon, kaagad na kinwestyon ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo
ang quorum na kulang sa kailangan na 135.


Ayon kasi kay Romualdo, hindi maaaring tapusin ang isang sensitibong panukalang batas kung hindi aabot
sa kinakailangang quorum ang mga kongresista.

Kulang ng 10 ang mga mambabatas upang magkaroon ng quorum at matalakay ang mga panukala lalo na
ang FOI bill.


Ipinanukala naman ni CIBAC partylist Rep. Joel Villanueva na arestuhin ang mga mambabatas na umano'y
nasa paligid lamang o nasa kanilang mga opisina.


Humirit din ang nasa huling termino na si Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora ng Compostela Valley na
nagpresenta na siya pa ang aaresto sa kanyang mga kasamahan.

Pero kung hindi raw siya papayagan ay nagpatawa na lamang ito para magpaalam.


"But if I will not be allowed to, then I will just say bye-bye to everyone and 'til we meet again," pahayag ni
Zamora.


Sinegundahan naman ni Rep. Risa Hontiveros-Baraquel ang panukala ni Villanueva sa pag-aresto sa mga
wala sa session hall, subalit iniutos na ni House Speaker Prospero Nograles kay House majority leader Art
Defensor na maghain na ng mosyon para sa pagsasara ng sesyon.


Ayon kay Nograles, wala na siyang magagawa dahil walang quorum at nakasaad ito sa kanilang
parliamentary rules.


Nagsisigaw at galit na galit na binatikos ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, chairman ng House
committee on public information, ang Kongreso na maganda sana ang panukala upang pag-ibayuhin pa ang
patakaran ng gobyerno sa transparency at maiwasan ang kurupsiyon. Matapos ang pagsasalita ay saka siya
nag-walkout.  Inamin nito na nasorpresa talaga siya sa ginawa ni Rumualdo.


Nag-iyakan ang ilang mambabatas sa sobrang pagkadismaya na maipasa ang nasabing batas.


Nagkagulo naman ang ilang mga sumusuporta sa panukala na nasa gallery subalit sila'y binitbit palabas ng
mga tauhan ng House sergeant-at-arms.


Sinisi ng husto nina Rep. Erin Tañada at Teddy Casiño ang liderato ni Nograles na ayaw lang talaga
palusutin ang panukalang batas samantalang isa naman ito sa pumirma sa 180 na mga mambabatas.


Aniya, magandang pagkakataon sana umano ito upang maging legacy ng kanyang liderato na bigong
maipasa sa nakalipas na ilang taon.


Duda naman si Tañada na talagang sinadya ng ilan niyang mga kasamahan na unti-unting lumalabas ng
plenary hall habang isinasagawa ang roll call.


Paliwanag naman ni Nograles, ginawa na niya ang lahat at makapagpapatunay umano ang secretariat na
nagtatawag siya at nagsagawa pa ng text brigade.


"I did my best. But I guess my best wasn't good enough... I have not expected this to happen especially
because many of the authors were not present. The authors and co-authors would have been enough to
sustain the quorum and we were not remiss in requesting for their presence. This is beyond my control. I'm
sorry," paliwanag ni Nograles.

Subalit hindi naman kumbinsido rito ang ilang mambabatas at ilang media organizations na nagmistulang
"moro-moro" lamang ang nangyaring sesyon upang ipakita na nais nila ang FOI bill.


May ilan namang mambabatas ang naghamon na kung seryoso talaga ang Pangulong Arroyo ay maaari rin
itong magpatawag ng special session.


Samantala, ilan sa nakapaloob sa bill ay nag-aatas sa mga government agencies ng madaliang
pagbubukas sa publiko ng mga impormasyon tulad ng mga government transaction, full disclosure sa mga
compromise agreement na pinasukan ng mga ahensiya ng gobyerno, halimbawa rin dito ang mga
procurement contracts ng mga government agencies.


Maging ang mga ordinaryong mamamayan ay madali ring mabibigyan ng access sa mga government
records at programs.
 
 
 
 
 
 
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine