Balasahan sa afp hindi kontrolado ni sen. aquino
|
| |
NAIS man ni President apparent sen. Noynoy Aquino na mapalitan si AFP chief of Staff Gen. Delfin Bangit kailangan pa rin itong sumunod sa Chain of Command na sinusunod ang AFP na maaaring magdikta kung sino ang papalit kay BAngit kung sakaling bumaba sa pwesto.
lumutang naman ang pangalan ni Vice Chief of Staff Lt. Gen. Rodrigo Maclang bilang susunod na maaaring umupo sa posisyon sakaling umalis sa puesto si Bangit.
aminado naman ang Malacanang ang mga posibleng opsyon sakaling magkaroon ng vacuum sa liderato ng AFP ngunit hiniling din nilang bigyan muna ng oras na makapagpasiya ang Pangulong Arroyo hinggil sa maselang usaping ito.
ayon naman kay Civil Relations Service (CRS) Chief Brig. Gen. Francisco Cruz Jr., tanging ang ranggo lamang ni Bangit ang hindi naaprubahan ng Commission on Appointment, subalit maaari pa rin itong manatili sa itinalagang puwesto sa kaniya ng Pangulong Arroyo.
Bumaba naman ang moral ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines makaraang upuan ang kumpirmasyon ng Commission on Appointment ng kongreso sa may 300 opisyal ng Armed Forces of the Philippines na itinaas ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ranggo bago ang Election Ban.
Tulad ni bangit naging AFP Chief of Staff noong March 09,2010 isang araw bago ang election period at napromote sa four star rank mula sa ranggong lieutenant general ng siya ang army chief ay umasang makukumpirma ng 14th Congress bago ito magsara.
Subalit nagsara ang 14th Congress na walang nangyaring kumpirmasyon bagay na ikinabahala ng husto ng mga opisyal.
Bukod kay Bangit ang mga nakabilang sa hindi nakumpirma ng Commission on Appointment ay ang tatlong star generals, 11 two star generals, limang commodore, 35 brigader generals, 247 full colonel at apat na reservist na may ranggong brigader general.
Samantala nakaabang naman ang lahat sa magiging pahayag ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Delfin Bangit hinggil sa nangyari.
|
| |
Simbahan hinamon ng isang pari na manindigan sa FOI
|
| |
Hinamon nang isang Pari ang Simbahang Katoliko na pumalag sa pagbasura sa Freedom of Information Bill (FOI).
Ang hamon ay ginawa ni running priest Fr. Robert Reyes makaraang madismaya sa mga Kongresista na pawang mga kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at mawalan ng quorum sa pagraratipika ng nasabing panukalang batas.
pinapaliwanag ni Reyes sa simbahan na isang usaping moral ang pagkakabasura sa FOI at hindi lamang simple suliranin ng mga mamamahayag dahil dito mabibigyang linaw ang publiko sa mga transaksyong pinapasok ng gobyerno.
sinabi pa ni Reyes na malaki ang gampanin ng media sa pamamahagi ng impormasyon sa publiko upang maisiwalat ang mga kahina-hinalang transaksyon ng mga politiko maging ang mga ahensya ng gobyerno nang sa gayon ay hindi maging pipi at bingi ang taong bayan sa katiwalian ng pamahalaan.
|
| |
Official count
|
| |
As of 6:56 pm June 03, 2010
The Vote 2010 Coverage
National Board of Canvassers Official Count
PRESIDENT
Aquino - 14,641,803 Estrada - 9,125,823 Villar - 5,384,262 Teodoro - 3,965,602 Villanueva -1,088,439 Gordon - 489,832 Perlas -52,734 Madrigal -44,695 Reyes - 42,694
VICE PRESIDENT
Binay - 14,084,876 Roxas - 13,440,127 Legarda - 4,125,588 Fernando - 992,778 Manzano - 790,091 Yasay - 350,628 Sonza - 62,139 Chipeco -50,878
|
|