Alamin ang payo ni Dating afp chief at sen. Biazon kay PNoy
|
| |
PINAYUHAN ni Sen. Rodolfo Biazon si President elect Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III sa mga “seniority” pumili ng susunod ng lider ng Armed Forces of the Philippines (AFP)
Ayon kay Biazon, dapat i-konsidera ni Aquino mula sa mga lieutenant generals dapat pumili ng susunod na AFP chief of staff.
Dapat rin aniyang busisiin ni PNoy ang karanasan ng susunod na afp chief of staff sa field, command at staff assignment.
iniwasan naman ng senador na magbigay ng komento hinggil sa ulat na ang napipisil ni Aquino bilang kapalit ni AFP chief of staff Gen. Delfin Bangit ay si Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Ricardo David.
|
| |
Sino ang maging gabinete ni PNoy?
|
| |
Inaasahan na iaanusyo ngayong linggo ni President-elect Noynoy Aquino ang makakasama niyang gabinete sa kanyang anim na taong na panunungkulan.
sinabi ni Aquino inaayos na nila ang kanyang magiging official family.
ganun man tumanggi naman si quino na pangalanan ang bubuo ng kanyang gabinete.
nagbigay naman ng katiyakan ang ikalabing limang pangulo ng bansa na hindi siya magtatalaga ng mga kaanak sa cabinet bilang paggalang sa konstitusyon.
|
| |
Search teams
|
| |
Mabusising umikilos ang search teams ni president elect noynoy aquino para sa mga bubuo ng kanyang papasok na administrasyon.
kabilang sa mga bumubuo ng search team ni Aquino ay ang PMAP o people management association of the philippines na na pinamumunuan ni jimmy isidro na una nang naghatag ng mga kuwalipikasyon para sa mga bubuo ng opisyal na pamilya ng papasok na gobyerno.
Sinabi ni isidro na maingat ang pagpili ng mga itatalaga sa iba't-ibang puwesto sa papasok na administrasyon na ibinabatay hindi lamang sa kuwalipikasyon kundi pati sa tiwala sa kanila ng president elect.
Nilinaw naman ng people management association of the philippines na walang kapalit na posisyon para sa mga miyembro ng kanilang search committee ang ginagawa nilang pagtulong na isa sa mga naunang kondisyong kanilang inihatag para maiwasan ang anumang kuwestyon sa kanilang ibinibigay na suporta.
|
| |
Vice President elec Jejomar Binay sa DILG
|
| |
Kinatuwa ng kampo ni President-elect Noynoy Aquino ang pahayag ni Vice President-elect Jejomar Binay na hindi siya magiging sagabal sa administrasyon kahit hindi ibigay siya kanya ang Department of Interior and Local Government (DILG) portfolio
Sinabi ni Atty. Edwin Lacierda, spokesman ni Aquino, maganda simulain ito dahil umaasa silang maging team player din si Binay sa Aquino administration
Ayon kay Lacierda, patuloy pang pinag-iisipan ni Aquino kung sino ang gagawing DILG secretary dahil maliban kay Binay, ilang pangalan pa ang kanyang ikinokonsidera.
Pinabulaanan din ni Lacierda na hinaharang ng Liberal Party (LP) ang nasabing posisyon at ayaw ipabigay kay Binay.
Iginiit ni Lacierda na ang bubuo sa gabinete ay magiging kapasiyahan at desisyon ni President-elect Aquino.
|
| |
Kababaihan kay PNoy
|
| |
Nanawagan kay president elect noynoy Aquino ang isang grupo ng kababaihan na pag-ibayuhin ang pagbibigay ng proteksyon at ang pangangalaga sa mga babae at mga bata.
Ayon kay ruth Vasquez ng grupong babae ka ay bunga ng patuloy na mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at mga bata mula sa pisikal na pananakit hanggang sa mga pang-aabusong emosyonal at seksuwal.
Tinukoy ni Vasquez ang mga kaso ng pagrecruit sa mga kabataang babae mula sa mga lalawigan at dina-dala sa kung saan para magtrabaho bilang mga hostess na sa mga pagkakataon pa ay pinu-puwersang magbenta ng katawan.
Hindi rin aniya dapat pang lumayo dahil bukod sa mga pang-aabusong inaabot ng ilang mga overseas Filipino worker sa kamay ng mga dayuhang amo, dito pa lamang sa bansa ay may mga kasambahay na ang dumaranas ng paglabag sa karapatan ng mga amo, hindi lamang ng mga dayuhan kundi maging ng kapwa Pilipino.
|
| |