CBCP PAG- AARALAN ANG MODULES NG SEX EDUCATION
|
| |
Pag-aaralan ng legal department ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang modules na gagamitin ng Department of Education (DepEd) na gagamitin sa sex education subject sa pampublikong paaralan.
Sinabi ni CBCP President Nereo Odchimar matapos ang mabusisi ng legal department agad nila itong isusumite sa Episcopal Commission on Catholic Education at Episcopal Commission on the Family at saka lamang magpapalabas ng pananaw ang CBCP.
Matatandaan na sinabi ni DepEd Secretary Mona Valisno na inimbitahan nila sa isang kunsultasyon ang CBCP at iba pang sektor upang suriin ang ipapatupad na sex education subjects.
Tinanggi naman ni Bishop Odchimar na may natanggap na silang imbitasyon mula sa DepEd at kung sakali man ay posibleng mangyari na ito sa susunod na buwan matapos ang kanilang pag-aaral.
Ayon naman Valisno na muli nilang kakausapin ang CBCP sa dahilang sa Huwebes na ito nila naitakda at naibalik na rin sa kanila ang receiving letter mula sa CBCP.
Sinabi naman ni Odchimar, bubusisiin nila ang magiging implikasyon ng mga probisyon ng modules ng DepEd kung nararapat bang idaan ito sa Kongreso para magpasa ng batas o kaya maging government policy.
"After the study then to be referrals to the different commissions probably that would be discussed in our plenary council meeting sa CBCP by July," ani Odchimar.
|
| |
| |
| |
| |
| |
|