Kris Aquino nakikialam maging sa takbo ng senado?
|
| |
Bago pa manalo si Pangulong Elect Noynoy Aquino (PENoy) nagsabi ang kanyang kapatid na si Kris Aquino na aalis ng bansa at duon maninirahan para hindi siya makasira o makialam sa kanyang kuya Noy. Pero malakas ngayon ang balita na mismong ang aktres/host ang nagtatawag sa mga senador para ikampanya si Senator Pangilinan bilang susunod na senate president kapag nagbukas na ang 15th Congress.
Kahit pa hindi pa pormal na iniindorso ng Liberal Party si Pangilinan ang kanilang isusubo o sa dating Senate President Franklin Drilon ang susuportahan sa pagka-senate president.
Umiwas naman kupirmahin ni Pangilinan ang naturang balita at mas mainam umano na hindi na lang magkumento hinggil sa balitang 12 ng senador ang sumusuporta sa kanyang hangaring maging susunod na lider ng mataas na kapulungan ng kongreso.
Kabilang dito sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senator Chiz Escudero, Serge Osmeña, Tito Sotto, TG Guingona, Ralph Recto , Franklin Drilon , Ping Lacson at Antonito Trillianes.
|
| |
Sen. Miriam Defensor-Santiago walang paki kung sino itatalagang gabinete ni PNoy
|
| |
Hindi na mahalaga pa kay Senator Miriam Defensor-Santiago kung sa showbiz, recycled cabinet members o kaibigan ni President Elect Benigno Noynoy Aquino III ito kukuha para maging miyembro ng kanyang gabinete at iluluklok sa iba pang bakanteng puwesto sa kanyang administrasyon.
Nais lamang tiyakin ng senadora sa susunod na pangulo na magagaling, subok ang kakayahan at may magandang track record ang itatalaga niya bilang kanyang gabinete at sa iba pang libu-libong pwesto sa pamahalaan.
Ang dapat aniya italaga sa gobyerno ang tumutugon sa constitutional requirements para makabigay ito ng matinong serbisyo sa publiko at hindi dahil lamang ito ay nakatulong sa kampanya ni Aquino.
dapat rin umanong ikonsidera ni Aquino ang pagkakaroon ng integridad o katapatan, competence o ang pagkakaroon ng akmang academic trainings sa pwestong hahawakan at ang track record bilang batayan ng kakayahan nitong mangasiwa at mamuno.
|
| |
It’s Holiday in Noys day
|
| |
Dineklara na papaalis na Pangulong Gloria Arroyo na isang holiday o walang pasok ang araw ng panunumpa ni President Elect Noynoy Aquino (PENoy).
Paliwanag ni Pangulong Arroyo, isang makasaysayan at napakahalagang bahagi ng buhay ng bansa ang inagurasyon ni President-elect Noynoy Aquino kaya kailangang masaksihan ito ng lahat ng mga Pinoy.
Dahil dito mas pinili umano ng Pangulo na kanyang ideklara sa June 30 bilang special non-working holiday sa buong bansa.
Upang mapagtibay nagbaba rin ng Proclamation No. 2085 ang Pangulong Arroyo na hinikayat nito ang publiko na saksihan ang nakatakdang pagsasalin ng kapangyarihan sa darating na Hunyo 30.
Ang nilalaman ng proclamasyon
Proclamation No. 2085
Declaring Wednesday, June 30, 2010 as a Special Non-Working Day Throughout the Philippines
Whereas, the Presidential inaugural ceremonies for the incoming President of the Republic of the Philippines will be held on 30 June 2010.
Whereas, it is fitting and proper that all citizens of our country be given full opportunity to witnes and welcome this historic event in the life of the nation.
Now, therefore, I, Gloria Macapagal-Arroyo, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Wednesday, 30 June 2010 as a Special Non-Working Day throughout the Philippines.
In witness whereof, I have hereunto set my hand and caused the seal of the Republic of the Philippines to be affixed.
Done in the City of Manila, this 17th day of June, in the year of our lord 2010.
Glorial Macapagal-Arroyo President, Republic of the Philippines
|
|