Full alert sa inagurasyon ni PNoy
|
| |
NASA heightened alert status ang buong Metro Manila at siyam na iba pang rehiyon sa bansa upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan sa inagurasyon bukas (ika-30, Hunyo) nina President-Elect Benigno “Noynoy” Aquino III at Vice-President-Elect Jejomar “Jojo” Binay.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Superintendent Leonardo Espina, epektibo mamayang 6:00 sasailalim sa alert status ng pulisya ang Region 1 hanggang Region 8, Cordillera at Maynila.
mananati naman sa full alert status ang Elite Special Action Force naman ng pulisya sa Region 9 hanggang Region 13 at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
Pinakalat naman ang 6,500 na pulis sa iba’t-ibang lugar para sa makasaysayang okasyon.
180 Highway patrol ay ilalaan para bantayan ang trapiko at seguridad sa Quezon Memorial Circle para sa pagsasagawa ng Street Party ni Aquino.
|
| |
Inagurasyon ni PNoy tutukan ng buong mundo
|
| |
85 kinatawan ng mga bansa at international organizations ang dadalo sa inagurasyon bukas (ika-30, Hunyo) nina President-Elect Benigno “Noynoy” Aquino III at Vice-President-Elect Jejomar “Jojo” Binay.
21 sa mga ito ay mga high-level delegations na binubuo ng head of state o ng high ranking government officials.
Batay sa pagtataya ng Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong 110 na “foreign dignitaries” ang inaasahan sa makasaysayang okasyon.
Sa katunayan, ayon kay DFA Spokesman Attorney Ed Malaya, dumating na sa bansa ang diplomat ng Cambodia at ng kaisa-isang head of state na si East Timor President Jose Ramos-Horta.
Pagkatapos ng inagurasyon, magsasagawa naman ng isang presidential reception sa Malakanyang Palace bukas ng gabi na pauunlakan ng mga delegado
|
| |
Saludo sa bagong administrasyon
|
| |
Bubusina ang lahat ng barko ng Philippine Coast Guard mula south at north harbor ito bilang tradisyong “blowing of horn” sa pagbabago ng chain of command.
Bibigyan naman 21 gun salute ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pagpasok ng kanilang bagong Commander in Chief na si President Elect Benigno Aquino III.
Ito ay pagkatapos ng isasagawang panunumpa ni Aquino 12:00 ng tanghali bukas sa Quirino Grand Stand sa Maynila.
Kahalintulad na pagpugay din ang ibibigay ng militar kay outgoing President Gloria Macapagal Arroyo sa pagbaba nito sa puwesto at bago ito umalis papuntang Pampanga para manumpa bilang kongresista.
Pangungunahan naman ni acting AFP Chief of Staff Lieutenant General Nestor Ochoa ang pagbibigay pugay sa dalawang opisyal.
|