Filipino Image Magazine Unsurpassed Credentials:
  • Member since 1993 of the world renown National Press Club of Washington, D.C.
  • Member of the Philippine News Agency, the largest news organization in the Philippines
  • Originator & Creator of the popular (TOFA) Twenty Outstanding Filipino-Americans
  • Originator & Creator of the populat (TOFA) Twenty Outstanding Filipinos Abroad
Bukas-Loob sa Diyos Washington Covenant Community
Saint Martin de Porres Healing Ministry
Pinoy Herald
SEARCH THE SITE
Pagkamatay ng  napakahalagang testigo, ampatuan massacre paano na?
 
Dahil sa pagkakamtay ng isang testigo ng mga prosecutor laban sa ma impluwensiyang pamilya sa
Maguindanao nag aalala ngayon ang pamilyang biktima na baka pulutin na lamang sa kangkungan ang
paghahabol nila ng hustisya.

Batay sa ulat,  ilang linggo na ang nakalipas ng mapatay   umano ang pangunahing testigo ng prosecutor  na
ipiniresenta ni human right lawyer atty. Harry Roque sa Media nung March 1 na si Alyas Jessie o  Suwaib  
Upham kasabay ng pulong na pinatawag  ni  Commission on Human Rights Chair Leila de Lima na hindi
naman sinipot ng Department of Justice(DOJ) para pag usapan sana ang seguridad ng testigo.

Dahil dito nagbatohan nang sisi sina DOJ Sec. Alberto Agra at Atty. Roque kung sino ang dapat managot sa
pagkamatay ni alyas Jessie.

Sabi ni Agra kasalan ni Roque dahil sa  pambabastos umano nito sa kakayanan ng ahensya na matiyak ang
seguridad ng isang testigo, habang nginuguso naman ng abogado na ang kalihim ang may kasalanan na
kung binigyan lang sana umano ng sapat na atensyon ang kaligtasan ng testigo hindi sana ito napatay.
 
Agra angry na
 
Matapos ang mga batohan nila ng sisi ni atty. Roque  agad na pinag utos ni  Justice Sec. Alberto Agra sa
National Bureau of Investigation na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hingil sa pagkamatay ng isa
sa testigo sa Maguindanao Massacre na si Suwaib Upham o alyas Jessie.

sinigurado naman umano ng  NBI na sa ligtas naman ang isa pang testigo sa massacre na si Kenny
Dalandag na nasa ilalim ng Witness Protection Program.

sinabi ni  Regional Director Ric Diaz, hepe ng NBI Counter-Terrorism Unit, bukod sa seguridad ni Dalandag,
binabantayan din ang seguridad ng pamilya nito sa General Santos City.

si  Dalandag ang nagturo na nasa mansyon ng mga Ampatuan si suspended ARMM Gov. Zaldy Ampatuan
nang pagplanuhan ang krimen noong gabi bago maganap ang masaker.
 
Buhay si Alyas Jessie?
 
Sakabila ng kaliwa’t kanang sisihan ng Department of Justice at ng abogadong si Atty. Harry Roque kaugnay
sa pagkamatay ni alyas Jessie na magdidiin umano sa pamilya ampatuan hingil sa pagpatay sa 57 katao
kabilang na ang 32 mamahayag.

Sinabi ni  PNP deputy director general Jefferson Soriano, hindi pa kumpirmado kung totoong patay na nga
ang testigong si Suwaib Upham o alyas "Jessie."

Ayon kasi sa  report ni Task Force Maguindanao chief Sr/Supt. Benito Estipona, sa inisyal na imbestigasyon,
may isang Suwaib Dalanda na taga-Sultan Kudarat ang pinatay sa bayan ng Parang noong ika 14 ng Hunyo,  
pero hindi matukoy kung si si Dalanda at si Upham ay iisang tao lamang.

Itinanggi rin ng otoridad na kabilang sa  dokumento ang sinasabing napatay na testigo, wala din umanong
nagngangalang Suwaib Upham na kasama sa halos 200 akusado sa masaker.

"The name Suwaib Upham or Dalanda does not appear as accused. The closest or the nearest we have in
our official list is Saudi Upam, a CVO (civilian volunteer organization) member in Maguindanao and one of
those implicated in the massacre," ani Soriano sa isang pulong-balitaan.

Pero naninindigan si  Atty. Roque na iisang tao lamang si Suwaib at Dalanda na lumabas sa mga police
records.

Paliwanag ni roque na  napilitan lang si Upham na gumamit ng apelyidong Suwaib dahil sa pangamba sa
kaniyang seguridad.

Pinatunayan umano ng pamilya ni alyas Jessie na napatay nga ang kanilang testigo sa Mindanao, "Wala na
kaming kaduda-duda na nabaril si Jessie dahil isang kaanak na niya ang nag-identify ng bangkay niya."

makikipagtulungan naman umano si  Roque  sa PNP para mabigyang linaw ang sirkumstansiya at iba pang
detalye kaugnay sa testigong napaslang.
Sun Star Network Online
News Archive
Philippine Star
Click here for:
ADVERTISING RATES -
ADVERTISING CONTRACT
The Manila Times
Manila Standard Today Online
CLICK HERE FOR :
PUBLISHER
The Malaya
Philippine
Government News
Click & Read
the latest reports
The New York Times
ADVERTISING RATES - ADVERTISING CONTRACT
ABS-CBN News
Click to know about the
PGON AD Program
The Manila Bulletin Online
Click to know about the PGON AD Program
Philippines News Agency
Inquirer
MENU # 1 -- Pinoy Global Online News
MENU # 2 -- The Outstanding Filipinos
MENU # 3 -- Articles by Joe Mari Mercader
MENU # 4 -- Featured Writers
MENU # 5 -- The Outstanding Filipinos Abroad
MENU # 6 -- Filipino Achievers
MENU # 7 -- The Philippine Provinces
Click Here To Read Office of the Philippine President
You need Java to see this applet.
Click Here To Read Department of Tourism
Click Here To Read Department of Foreign Affairs
Click Here to Read
Today's News
The Daily Tribune
Business World Online
Click Here to Read
Today's U.S. News
Los Angeles Times
The Washington Post
Copyright© 2007 Filipino Image. All rights Reserved.      Request for Write-up  |  Contract  |  Subscribe  |  Publisher  |  Contact Us
Click to read the
2009 FILIM
Magazine
2009 Filipino Image Magazine