Kudeta sa administrasyon Aquino hindi bagay - honasan
|
| |
Malaki ang paniniwala ni Senador Gregorio "Gringo" Honasan na hindi na nababagay sa administrasyon Aquino ang anumang uri ng pag-aaklas ng militar laban sa estado.
Sinabi ni Honasan walang dahilan upang magsulong nang anomang pag aaklas laban sa kasalukuyang pamahalaan bagkus idadaan na lamang ito sa ibang demokratikong paraan.
Umalma na rin ang Senador sa palaging pag-uugnay ng kanyang pangalan tunkol sa mga nagdaang kudeta.
Sa nakaraan pinangunahan ni Honasan ang siyam na tangkang pabagsakin ang pamahalaan ni dating Pangulo Corazon Aquino habang nabigyan naman siya ng"amnesty" sa administrasyong Ramos bago nahalal na senador noong 1995.
nagpakita naman ng pagnanais na hawakan ni Honasan ang Defense Committee sa pagbubukas ng 15th Congress ngayong buwan na dating pinamunuan ni Muntinlupa Congreessman Rodolfo Biazon.
|
| |
Hindi ka gaganda dito -FDA
|
| |
Nanawagan ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga Local Govenrment Units (LGUs) na tulungan silang sa kanilang kampanyan laban sa mga nagbebenta ng mga "cosmetic products" na may malaking bilang ng mercury content.
Sa pag aaral ng FDA na diskubre ng mga opisyal na ang 11 beauty products na naglipana sa bansa ay lumagpas sa limitasyon ang paglalagay ng nasabing kemikal.
Dahil dito nagbabala ang ahensyan imbes kagandahan bagkus posibleng magdulot ng masamang epekto sa balat sa mga indibidwal na gumagamit dahil sa hindi ito dumaan sa isang pagsusuri.
Sa kapangyarihan ng Circular 2010-011 na pinagtibay ni FDA Director Nazarita Tacandong inatasan nito ang mga lokal na pamahalaan na kumpiskahin ang mga ito mula sa mga establisyimento at mga outlets.
batay sa Section 12 ng Republic Act 9711 ng FDA o ang karapatang bawiin ng mga opisyal ang mga kontrabando.
Ilan sa mga produktong pinagbabawal:
• JJJ (Golden Package) Magic Spots Removing Cream (Spots Removing Super);
• Beauty Girl Double White Collagen Elastin Whitening Night Cream/Double White SPF17AP++ Whitening Day Cream;
• Yinni Green Tea Quick Acting Whitener & Speckle Remover Package (Yellow & White Cream);
• Glutathione Grapeseed Extract Whitening & Anti-Aging (Sanli International Cosmetic Group Co., Hong Kong);
• Doctor Bai Skin Revitalizing Skin Brightening (Doctor Bai Intensive White Revitalizing & Speckle Removing Set) (Hongkong Forever Beauty Cosmetic Hairdressing Co. Ltd.);
• Youngrace Age Defying Essence (Gelidai Jiabao Cosmetics Co. Ltd.);
• Gemli Glutathione Hydrolyzed Collagen Whitening & Anti-Aging (Sanli Intl. Cosmetic Group Co., Hongkong);
• Qiang Li Zeng Bai Qu Ban Wang Whitening Cream (Zhong Guo Haerbin Gelidai Jiabao Huazhuangpin Co. Ltd.);
• Shengli Day & Night Cream (distributed by Shengli Trading in Binondo, Manila); • S'Zitang Cream; and
• BIB Day Cream Whitening Cream - 921 (Biyibi Meirongpin Youxiangonsi Chupin - Taiwangsheng Gaoxiongshi Zhongshanbeilu 3289 Hao).
Reply Forward
|