Maralitang Pilipino may request kay PNoy
|
| |
Isang pagkilos ng maralitang-lungsod, sa pangunguna ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang gaganapin bukas upang ihatid ang anila'y mga "agarang kahilingan" ng sektor kay Pangulong Noynoy Aquino sa Malakanyang.
Makabuluhan ang Hulyo 10 dahil ito rin ang ika-10 taong anibersaryo ng makasaysayang Payatas Tragedy, ang pagguho ng bundok ng basura sa Payatas Dumpsite na kumitil sa buhay ng higit 200 katao at iniwang walang tirahan ang daan-daan pa.
Layunin ng mga naturang kahilingan, ayon sa grupo, ay makapaghatid ng anila'y immediate relief o agarang kaginhawaan sa mga maralitang-lungsod, na inaasahan nilang masimulang ipatupad sa unang 100 araw ng administrasyong Aquino.
Nagpaabot din ng request ang grupo sa Presidential Management Staff upang personal na tanggapin ng isang opisyal ng Palasyo ang kanilang mga kahilingan, subalit wala pang nagkukumpirma mula sa tanggapan.
"Dito na natin susubukan ang pahayag ni P-Noy sa kanyang inagurasyon na ang taumbayan daw ang kanyang 'boss'," ani Badion.
Isasagawa din ng grupo ang maikling paggunita sa Payatas Tragedy sa marker nito sa Lupang Pangako, Payatas, bukas nang umaga
|
|