Perwisyo ni Basyang
|
| |
Nagulantang ang mga taga Metro Manila sa lakas ng hangin ng bagyong Basyang na tumama kaninang madaling araw, hindi kasi inaasahan na dadaaan ang mata ng bagyo dahil sa hindi maagap na abiso ng PAGASA na ang una nilang pagtaya ay tatama ng Central Luzon at sa bahagi ng Isabela.
Sa pagtataya ng PAGASA umabot sa 95 kilometers kada oras ang hanging dala ng bagyo basyang na nagdulot ng ng pangamba sa mga taga-Mega Manila na maulit ang bagyong Ondoy.
Sa pag-iikot ng Pinoy Global Online News sa buong Metro Manila nagkalat ang mga sanga ng punong kahoy, habang ang iba ay hindi na kinaya ang lakas ng hangin at nabuwal ang ilang mga puno maging ang mga kongkretong poste sa Quirino Manila City.
Sabay ng pananalasa ng malakas na bagyo kasabay nito ang ang pagbalot ng dilim sa buong Metro Manila dahil sa brownoutna inabot pa hanggang maghapon, paliwanag ng Meralco na nakaranas ng blackout dahil sa may mga transmission lines ang naapektuhan ng malakas na hangin.
Naging maagap naman ang pamahalaan matapos na ipag utos ni NDCC chairman at DND Secretary Voltaire Gazmin ang pagkilos ng engineering brigade ng AFP upang magsagawa ng clearing operations sa ilang mga lugar na naghambalang ang mga naputol na punongkahoy at maging ang ilang poste ng koryente.
Kabilang naman sa nawalan ng kuryente ang Parañaque, Las Piñas, Pasay, ilang bahagi ng Makati, Maynila at Quezon City.
Dahil dito tumigil ang operation ng substations ng LRT at MRT stations sa Ayala-Alabang, Diliman, Malinta at Novaliches na nagresulta ng maraming stranded na mga pasahero ng LRT at MRT.
Dahil sa hindi maagang pag abiso ng PAGASA na dadaan pala ang pinakasentro ng bagyo sa Metro Manila, dismayado ang ilang tagapamahala ng billboard at mall owners mabigla sila sa lakas ng ulan na taliwas sa inaasahan na unang napaulat ng ahensya na nauwi ang kapabayaan sa pagkasira ng mga tarpaulin na mga hindi naibaba o naalis sa frame kaya ilan sa mga ito ay hindi na mapapakinabangan
Marami naman ang kolehiyo ang nag anunsyo ng walang pasok samantala, dahil umakyat ang bagyo sa signal number 2 suspendido ang mga klase ng Highschool at elementary level maging sa kinder at preparatory schools habang ilang ahensya naman ng pamahalaan ang walang pasok at nag-abiso rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang color coding dahil sa inaasahang luluwag ang trapiko dala ng maraming eskwelahan ang deklaradong walang pasok.
Sinabon naman ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino ang Deparment of Science and Technology (DOST) nmatapos hindi makapagpalabas ng mas maagang forecast ang Pagasa tuwing may papasok na bagyo sa bansa.
Sinagot naman ng katiyakan ni DOST Secretary Mario Montejo nasa halip na kada anim na oras, gagawin kada isang oras ang forecast sa mga susunod na bagyo na papasok pa ng Philippine area of responsibility.
|
|