HREP HANDA NA SA SONA NI P.NOY
|
| |
ISANG linggo bago ang pormal na pagbubukas ng 15th Congress, pinaghahandaang maigi ng lahat ng sangay ng secretariat offices ng House of Representatives sa pangunguna ng Office of the Secretary General ang preparasyon sa gaganaping unang State-of-the-Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hulyo 26.
Ayon kay House Secretary General Marilyn Barua-Yap bibigyan nila ng maganda at maayos na presentasyon ang unang SONA ni P.Noy tulad nang ibinigay nilang presentasyon sa mga kongresistang nagtapos ng kanilang termino, tatlong linggo na ang nakakaraan.
“Dapat lamang na bigyan ng maganda at maayos na presentasyon ang SONA dahil ito ang matatawag nating simbolo ng pagkakaisa ng Filipino ang pakinggan ang pangkalahatang programa at ulat ng Pangulo ng bansa,” sabi ni Barua-Yap.
Ngayon pa lamang, pinakilos ni Barua-Yap ang Legislative Security Bureau (LSB), ang in-house security ng HREP para siyasatin ang lahat ng gusali at paligid ng bakuran ng Batasan complex para sa pangangalaga ng seguridad sa lahat ng taong papasok hindi lamang sa raw ng SONA kundi pag araw-araw na sesyon ng Kamara.
Sinabi ni Isabelito Flores, Executive Director ng LSB, pinaghahandaan ng kanyang opisina ang Security Car Pass at Temporary Identification Card para sa SONA. Bukas pa ang kanilang tanggapan hanggang Hulyo 22 para doon sa nagnanais na iparehistro ang kanilang sasakyan sa araw ng SONA. Makakatulong ng LSB sa pangangalaga ng seguridad ang Presidential Security Group kasama ang kanilang bomb-sniping dogs.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Media Relations Service Director Diony Tubianosa patuloy pa rin sa pagtanggap ng application for accreditation ang MRS para sa foreign at local reporters na kokober sa SONA.
“Inaayos na namin ang accreditation sa Malacanang, Senate at House reporters at mga photographers, foreign correspondents at local media na kokober sa SONA,” ayon kay Tubianosa.
“Di lamang security matters ang pinaghahandaan, kundi ang buong programa na binubuo ng lahat ng departamento at bureau ng House Secretariat sa pamumuno ni SecGen Yap,” wika ni Rica dela Cuesta, Executive Director ng Public Relations and Information Bureau
|
| |
Ilang mambabatas susuporta sa Cha-cha resolution ni GMA
|
| |
Ilang mambabatas ang nagpahayag ng suporta sa inihaing resolusyon ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga) na naglalayong magkaroon ng constitutional convention upang makapaghain ng mga pagbabago sa 1987 Constitution.
Ayon kay Rep. Danilo Suarez (3rd District, Quezon) susuportahan niya ang panukala dahil mula’t mula pa naman ay pabor na siyang baguhin ang ilang probisyon sa Konstitusyon lalo na yaong mga hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
Sinabi naman ni Rep. Simeon Datumanong (2nd District, Maguindanao) na matagal na siyang nagsusulong at pumapabor sa pagbabago ng Konstitusyon dahil marami umanong probisyon sa ating Saligang Batas na magulo at nakakalito.
Maging si Rep. Elpidio Barzaga, Jr. (2nd District, Cavite) ay nagpahayag ng pagsuporta sa resolusyon ni Arroyo at nagsabing maging siya ay magsusumite rin ng panukala hinggil sa pagbabago ng Konstitusyon.
Sa pagsusumiti ni Macapagal-Arroyo ng House Resolution 8, sinabi nito na ang kanyang panukala ay hindi magiging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakahati ng Kamara dahil ito ay pag-uusapan ng bukas sa publiko at sa malayang pamamaraan.
|
| |
Cash subsidy ni PNoy para sa mahihirap, suportado ng mambabatas
|
| |
Pinuri ngayon ng isang mambabatas ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na ituloy ang pagbibigay ng cash sa mahihirap na pamilya upang makaagapay sa mataas na halaga ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Rep. Susan Yap (2nd District, Tarlac) nagsumite na rin siya ng panukala, ang House Bill 81na naglalayong itatag ang cash subsidy program ng pamahalaan upang makatulong sa kahirapang nararanasan ng maraming pamilya sa bansa.
Dagdag pa ni Yap layunin ng panukala na itatag ang National Conditional Fund Transfer Program, na siyang magpapatibay ng programa upang masiguro ang mapagkukunan ng pondo na siyang gagamitin sa pagsasaayos at pagtulong sa mahihirap na pamilya sa bansa, partikular na sa mga batang may idad 0 hanggang 14 at mga babaeng nagdadantao.
Batay sa talaan, nitong Marso 2010 at matroong 956,000 pamilya ang nakakatanggap ng buwanang cash grants mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kikilalanin ang panukala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act of 2010, na siyang nagbibigay ng P500 kada buwat bawat bahay o pamilya para sa kamot o pangkalusugan at pagkain, at P3,000 kada taon bawat bata para pantulong sa pag-aaral ng mga bata labis na naghihirap.
Ayon pa kay Yap, layunin ng panukalang ito na makatulong upang matupad ang adhikain ng Millennium Development Goals na tuluyan ng burahin ang labis na paghihirap at pagdanas ng gutom, maabot at matapos kahit na elementarya, maitaguyod ang pagkakapantay-pantay babae man o lalaki, mabawasan ang maagang pagkamatay ng mga bata at maisaayos ang kalusugahn ng bawat ina kahit na ito ay nasa mahirap na antas ng buhay.
Batay sa panukala, maglalaan ng P15 bilyon kada taon para sa programa upang maging tuloy-tuloy na matulungan ang bawat naghihirap na pamilya ng bansa.
Awtomatikong tataas o bababa ang pondo kada taon base na rin sa pangangailangan at dapat ay sasakop sa 21 porsiyentong kabuuang bilang ng mga mahihirap na pamilya ng bansa, at inaasahan din na bababa ang bilang nga maghihirap sa bansa sa tamang panahon.
“Ang pagpopondo sa programang ito ay dapat na tumagal kahit man lamang sampung taon na magsisimula kapag tuluyan nang maisabatas antg HB 18,” ani Yap.
|
|