Pre-school program nais itatag sa mga pampublikong paaralan
|
| |
Isinusulong ngayon ng isang mambabatas ang panukalang naglalayong itatag ang pre-school program sa lahat ng pampublikong paaralan at isama ang values formation sa ituturo sa mga pampublikong eskwelahan.
Ayon kay Rep. Rachel Marguerite B. Del Mar (1st District, Cebu City) nakasaad sa isinumite niyang House Bill 25 na magiging hiwalay na level ng pag-aaral ang preschool at ituturing itong prerequisite para makapasok sa elementary.
Dagdag pa ni Del Mar ang preschool age ang pinakatamang taon para turuan ang mga bata dahil sa mga idad na ito ay nagsisimula na silang maging interesado sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.
Nakasaad din sa panukala ni Del Mar ang pagsasama ng values formation bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan mula sa preschool, elementarya, hanggang sa high school.
Ayon pa kay Del Mar, nakasaad sa kanyang panukala ang mga paghahandang dapat gawin ng isang guro, na nagnanais magturo ng values formation, dahil malinaw sa kanyang panukala na ang lahat ng guro ay dapat magkaroon ng tama at kinakailangang kagamitan, paghahanda, kaalaman at iisang pang-unawa at pagkakaintindi, kung papaanong magtuturo ng mauunawaan at matututunan ng kanilang estudyante.
Dapat ay may iisa ring ihahanda o ihahaing lesson plan, paraan ng pagtuturo, paraan kung papaanong ituturo ang bawat aralin, at ebalwasyon sa kanilang mga estudyante upang maging epektibong maipapatupad ng batas na ito.
Ang Kalihim ng Edukasyon ang inaatasang gumawa at bumuo ng karampatang batas at regulasyon na kakailanganin upang maipatupad ang mga probisyon sa panukalang ito. Ang pondo naming kakailanganin para sa implementasyon nito ay manggagaling sa taunang pondong inilalaan para sa DepEd
|
| |
| |
| |
|